Heiress of the Ruler

Kaya dapat tanggapin na lang…

Posted on: April 13, 2012

 

“lahat naman ng nangyayari may dahilan… minsan kahit anung gawin natin ganun pa din kasi yun talaga ang dapat mangyari… kaya dapat tanggapin nalang…”

Yan ang huling message mo sa akin na may katuturan sa buong panahon na nag-uusap tayo. Alam ko na ang tinutukoy mo dyan ay yung tungkol sa nararanasan kong mga problema ngayon. Kahit na puro kulitan ang usapan natin, sa part na yan, naramdaman ko, sincere ka sa sinabi mo.

Pero kung iisipin, parang ganito rin tayong dalawa. Minsan kahit anong gawin natin ganun pa din dahil yun talaga ang dapat mangyari… kaya dapat tanggapin na lang. Tanggapin na lang natin na hanggang magkaibigan na lang tayo. Nararamdaman ko, mahal mo pa rin ako. Kung wala lang tayong masasagasaan na ibang tao, ito na siguro ang pagkakataon natin. Kaya lang hindi na talaga pwede. I’m sorry. Gusto ko man ipadama rin sa iyo na hindi ako nagbago, hindi ko puwedeng sabihin sa iyo na mahal pa rin kita. Kaya yung mga pahangin mo, dinadaan ko na lang sa mga biro at pangbabara… dahil kung seseryosohin natin ito, alam natin na may masasaktan tayong mga tao.

Siguro talagang hanggang dito na lang tayo.

Salamat, naging bahagi ka ng buhay ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: