Heiress of the Ruler

Archive for the ‘beauty’ Category

I’m not a fan of lipstick (I prefer lip balm for every day use) but after reading this news about lipsticks containing a high lead content I can’t help but worry to all women out there who are using lipsticks (now I’m having  second thoughts of using one T___T ) and allegedly it also may effect to men as well :/

 

Sikat na lipstick kargado ng nakalalasong lead; nakababaog sa kalalakihan
Posted by Online Balita on Feb 17th, 2012


MAG-INGAT sa mga labing may lipstick bago humalik. Maaaring kargado ito ng lead o tingga.

Unang iniulat ng Reuters na nasuri at natuklasan sa isang bagong pag-aaral na isinagawa ng Food and Drug Administration (FDA) na 400 lipstick sa merkado ang positibo sa lead, ayon sa Campaign for Safe Cosmetics, isang koalisyon na nagsusulong ng ligtas na cosmetics and hygiene products.

Ang Maybelline Color Sensation ng L’Oreal USA ang worst-offending lipstick sa grupong sinuri, ayon sa Campaign. Nagtataglay ito ng mahigit 275 beses na dami ng lead kumpara sa natagpuan sa hindi gaanong kontaminadong produkto.

Ang children’s products sa U.S. ay hindi dapat magtaglay ng mahigit 100 parts per million ng lead. Ang highest offending lipstick naman ay nagtataglay ng 7.19 parts per million, ayon sa grupo.

Kapansin-pansin na ang least contaminated ay ang mga mas murang brand: ang Wet & Wild Mega Mixers Lip Balm. Ipinakikita lamang nito na ang presyo ay hindi konsiderasyon sa antas ng lead, ani Stacy Malkan, co-founder ng Campaign for Safe Cosmetics.

“There is no safe level of lead exposure,“ ani Malkan sa ABCNews.com. “It builds up in the body over time. A little bit every day is adding up and staying with you.“

Sinabi ni Malkan na ang kababaihan ay gumagamit ng average na 12 cosmetic and hygiene products kada araw.

Ang lead o tingga ay nakalalasong metal, at ipinagbawal sa paint products sa U.S. noon pang 1978. Ang elemento ay partikular na mapanganib sa mga bata dahil maaari itong magdulot ng blood and brain disorders sa developing bodies.

Walang safe level ng lead para sa mga bata, ayon sa CDC.

Ngunit kumontra ang FDA. Sinabi ng government agency sa Reuters sa isang pahayag na, “The FDA did not find high levels of lead in lipstick. We developed and tested a method for measuring lead in lipstick and did not find levels that would raise health concerns.“

Ang lipstick ang huling cosmetic na nagtaas ng red flags. Sinabi ni Kim Anderson, executive director ng Ava Anderson Non-Toxic, isang cosmetic line ng chemical-free products, na dapat umiwas ang customers sa anumang produktong may nakasaad na “fragrance“ bilang sangkap.

“If they’re using the word fragrance, that company could be hiding up to 600 chemicals under that word,“ ani Anderson, na nagkakampanya ng safer cosmetic regulations. “Seventyfive percent of the time, fragrances contain phthalates, a known-carcinogen that causes reproductive issues in the body.“

Sa isang kaugnay na pagaaral, natuklasang ang mataas na antas ng cadmium sa dugo ng kababaihan at mataas na antas ng lead sa kalalakihan ang nagpapahirap sa mag-asawa para magkaanak.

Ang cadmium ay isang metal na ginagamit sa mga baterya, metal coatings at plastic, ngunit ang pinakakaraniwang pinanggagalingan ng cadmium exposure ay ang usok ng sig arily o. A ng k arani wan g sources ng pagkalantad sa lead sa Amerika ay kinabibilangan ng lead-based paints sa mga lumang bahay, lead-glazed pottery, at kontaminadong lupa at tubig.

Ang pagkakalantad sa mga nakalalasong metals na ito ay maraming masamang epekto sa kalusugan ng tao, ngunit ngayon lamang napatunayan ang epekto sa tao, ayon sa mananaliksik sa U.S. National Institutes of Health.

Ang pag-aaral ay inilathala online noong Pebrero 4 bago ang publikasyon nito sa upcoming print issue ng journal na Chemosphere.

“Our results indicate that men and women planning to have children should minimize their exposure to lead and cadmium,“ sabi ng principal investigator na si Dr. Germaine Buck Louis, director ng division of epidemiology, statistics and prevention research sa U.S. National Institute of Child Health and Human Development, sa isang NIH news release.

“They can reduce cadmium exposure by avoiding cigarettes or by quitting if they are current smokers, especially if they intend to become pregnant in the future. Similarly, they can take steps to reduce their exposure to leadbased paints, which may occur in older housing, including during periods of home renovation,” payo ni Louis.

 

Source:
http://www.balita.net.ph/2012/02/sikat-na-lipstick-kargado-ng-nakalalasong-lead-nakababaog-sa-kalalakihan/