Heiress of the Ruler

Archive for the ‘money’ Category

Yan ang ipon ko sa ngayon. Kung tutuusin, masuwerte pa ako na meron pa akong ganyang halaga sa bangko sa kabila ng lahat ng mga bayarin ko. Sa October pa talaga dapat matatapos ang bayarin ko sa credit card, pero ibinuhos ko na ang lahat ng natitirang ipon ko para mapaaga ang pagbayad ko at wala na akong iintindihin pa. Para akong nagsisimula ulit. Hindi man ako makakapanood ng concert ni Lady Gaga sa May 21, at least hindi naman ako totally zero. Ayos lang yun. Mahirap din yung walang-wala akong extra money. At pabor din sa akin na hindi nagkaroon ng SS4 Manila dito. Pahinga raw sa lahat ng fangirl gastos. Ngayon raw ang panahon para mag-ipon 😉

Advertisements
Tags: